^

Bansa

Solid Paulino ang Olongapo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Kahit anong paninira pa ang gawin ng mahigpit na kalaban sa pulitika ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino para maagaw lamang ang kanyang puwesto bilang ama ng lungsod ay solid Paulino pa rin kami.”

Ito ang tahasang pahayag ng multi-sectoral group na kinabibilangan ng market vendor, transport groups, senior citizen, youth oriented group, religious group at women’s group na nagpakita ng buong suporta sa pamilya Paulino.

Sa kabila umano ng ginagawang pambabatikos ng numero unong kritiko ni Paulino na si Sen. Richard Gordon ay hindi nagbabago ang kanilang magandang pag­tingin sa alkalde.

Patunay umano ang maraming natapos na proyekto ang alkalde kabilang na ang pagpapagawa ng may 25 kilometrong mga kalsada sa siyudad, 6-palapag na city college, oval track, vo­lunteers park, tulay at iba pa.

Palagi rin bukas umano ang tanggapan ng alkalde sa mga taong nangangailangan kaya naman naniniwala sila na itutuloy ni Atty. Lenj Paulino na tumatakbo sa pagka alkalde ang nasimulan ng kanyang ama.

ROLEN PAULINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with