^

Bansa

Chinese consulate sinalubong ng protesta ngayong Araw ng Kagitingan

James Relativo - Philstar.com
Chinese consulate sinalubong ng protesta ngayong Araw ng Kagitingan
Ayon sa mga grupo, handa silang ipagtanggol ang Pilipinas mula sa panghihimasok ng Tsina kahit na "ibinebenta" na raw mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng bansa.
Release

MANILA, Philippines — Bilang tanda ng Araw ng Kagitan, bumuhos sa tapat ng Chinese consulate sa Makati ang ilang militante para tutulan ang banta ng panibagong aniyang "mananakop" ng Pilipinas.

Ayon kay Makabayan senatorial bet Neri Colmenares, handa silang ipagtanggol ang Pilipinas mula sa panghihimasok ng Tsina kahit na "ibinebenta" na raw mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng bansa.

"Duterte has betrayed the sacrifices of our heroes in fighting for independence and national sovereignty. His defeatist and mendicant foreign policy has emboldened China to treat the West PH Sea as its own, with utter disregard for our rights and dignity as a nation,” ani Colmenares.

Noong nakaraang linggo, nanawagan sa Facebook ang dating mambabatas ng kumilos ngayong araw para ipakitang handang lumaban ang mga Pilipino.

Aniya, walang aasahan ang mamamayan mula sa gobyerno kung kaya't sila na raw mismo ang titindig.

“By accepting arms and military equipment from China for use against our own people, and by agreeing to onerous loan agreements, Duterte has literally been bought by China. We Filipinos will literally have to stand up for ourselves,” dagdag niya. 

Sa ulat ng Wall Street Journal kamakailan, iginiit ng Chinese Foreign Ministry na pagmamay-ari ng Beijing ang Pag-asa Island, pati na ang mga kalapit nitong anyong tubig.

Sinabi nila ito kahit na sakop ng munisipalidad ng Kalayaan sa Palawan ang Pag-asa sa West Philippine Sea.

"Chinese fishing boats and fishermen's operations in these waters have not changed much this year compared with previous years," sabi ng Chines Foreign Ministry sa WSJ.

Una nang binalaan ni Duterte ang Tsina na layuan ang Pag-asa Isand, na isa sa mga pinakamalalaking features sa Spratlys.

"I will not plead or beg, but I am just telling you that lay off Pag-asa because I have soldiers there. If you touch it, that's a different story. I will tell the soldiers 'prepare for suicide mission,'" sabi ni Duterte sa isang talumpati noong nakaraang linggo.

Naghain na rin ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa presensya ng Chinese vessels sa pinag-aagawang teritoryo.

Gayunpaman, naninindigan si Duterte na "gusto lang makipagkaibigan" ng Tsina sa Pilipinas at hindi raw sapat ang kagamitan para pumasok sa digmaan.

Tsina bilang 'imperyalistang bayan'

Samantala, nanawagan naman si Anakpawis Rep. Ariel Casilao na magkaisa ang lahat upang igiit ang "right to self-determination" at soberanya ng mga Pilipino sa naturang lugar.

Tinawag din niyang halimbawa ng "imperyalismo" ang kasalukuyang ginagawa ng dambuhalang bansa sa Pilipinas.

“It is imperative that Filipinos, as a people, should be united in viewing China as an imperialist power, so as to generate the broadest resistance movement against its impositions in the country’s affairs,” sabi ni Casilao sa parehong protesta.

Ang imperyalismo ay ang pagkontrol ng isang bansa sa iba pang bayan gamit ang pwersang militar at pagkuha ng pulitikal at pang-ekonomiyang kontrol dito.

Dagdag pa ni Casilao, haluan ng "soft power" (sa pamamagitan ng mga pagpapautang sa Pilipinas) at "hard power" (dahas at pananakot) ang pagsisiguro nila ng kontrol sa bansa.

Sana rin daw ay matuto na ang taumbayan mula sa karanasan ng mga bansang nahulog sa "Chinese debt-trap" sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

Ilan daw sa mga ito ay ang Djibouti, Tajikistan, Kyrgyzstan, Laos, Maldives, Mongolia, Pakistan at Montenegro. 

"Their debts to China, which funded infrastructure projects, already reached to around 40 to 90% of their gross domestic products. Prior to these, Sri Lanka was forced to hand over control of its strategic port to China in 2017," dagdag ng statement ng Anakpawis.

Kamakailan, naiulat daw sa kanila na nakalalayag na nang payapa ang ilang Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal.

Iniuugnay naman nila Casilao ito sa patuloy nilang paggigiit ng karapatan.

Tulong ng international community

Dumulog naman sa Kongreso si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na gamitin ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa Asian Parlamentary Association at Inter Parliamentary Union para kumalat ng suporta laban sa pagmimilitarisa sa West Philippine Sea.

"Other countries should be involved as well because they may be the next target of China's bullying," wika ni Zarate.

"Congress has the duty to look into the reported Chinese military build up with the end in view of strengthening our position to  defend our sovereignty and territorial integrity."

ARAW NG KAGITINGAN

CHINA

DAY OF VALOR

RODRIGO DUTERTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with