Swimming sa K-12 isinulong
MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na nagsasama sa K-12 curriculum ang pagtuturo ng paglangoy sa mga estudyante.
Base sa House Bill 3495 o ang Drowning Prevention Act ni Iligan Rep. Frederick Siao, layunin nito na mabawasan ang mga insidente ng pagkamatay dahil sa pagkalunod, kung may kalamidad o kung may recreationl activities.
Sa ulat ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 372,000 tao sa buong mundo ang namatay sa pagkalunod habang, sa Pilipinas, karamihan sa mga bata at teenager na nalunod ay hindi marunong lumangoy.
Naitala rin ang average na mahigit 2,400 na pagkamatay kada taon mula nuong 1980 hanggang 2011.
Problema rin umano sa mga kaso ng pagkalunod ang kakulangan ng sinanay na mga lifeguard at first-aid responder.
- Latest