^

Bansa

Mga beterano isang linggong may libreng sakay sa LRT-2

James Relativo - Philstar.com
Mga beterano isang linggong may libreng sakay sa LRT-2
Bukod pa riyan, libre rin daw sa pagbabayad ang isang kasama ng beterano.
Facebook/Light Rail Transit Line 2

MANILA, Philippines — Walang kailangang bayaran ang mga beterano ng digma sa Light Rail Transit-Line 2 simula bukas, ika-5 ng Abril, hanggang ika-11.

Isasagawa raw ito ng linya ng tren bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan.

Inilabas ang anunsyo sa opisyal na Twitter account ng Light Rail Transit-Line 2 ngayong Martes.

"In observance of the Philippine Veterans Week and the Araw ng Kagitingan, veterans may avail of unlimited FREE LRT-2 RIDES at any time between 4:30 a.m. until the last commercial train trip on the dates indicated below. Salute!" ayon sa isang pahayag.

Tumatakbo ang tren hanggang alas-diyes y media ng gabi.

Ayon sa paskil, kakailanganin lang daw na magpresenta ang Philippine Veterans Affairs Office identification card para mapakinabangan ang limitadong pribilehiyo.

Bukod pa riyan, libre rin daw sa pagbabayad ang isang kasama ng beterano.

Wala pa namang pahayag ang Metro Rail Transit 3 at LRT-1 kung magpapatupad sila ng kahalintulad na serbisyo.

vuukle comment

LRT-2

RAILWAY

VETERANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with