^

Bansa

Pagbalik ng GMRC isinusulong

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbalik ng GMRC isinusulong
Ayon kay Belaro, napapanahon na ibalik ang pagtuturo sa mga kabataan ng tamang asal lalo na ang katapatan, pagiging balanse at mahabang pasensya.

MANILA, Philippines — Isinusulong ni 1-Ang Edukasyon Party-list Representative Salvador Belaro ang muling pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct o GMRC subject sa ilalim ng K to 12 curriculum.

Ayon kay Belaro, napapanahon na ibalik ang pagtuturo sa mga kabataan ng tamang asal lalo na ang katapatan, pagiging balanse at mahabang pasensya.

Sa ilalim ng House Bill 6705 o ang Revival of Good Manners and Right conduct  Act of 2017, ito ang magtatakda sa GMRC bilang hiwalay na subject sa basic education curriculum.

Paliwanag niya, mahalaga ang papel ng katapatan sa lipunan na dapat simulan sa tahanan, paaralan at maging sa lansangan lalo na sa pagsunod sa batas-trapiko at rule of law.

Matatandaan na inalis  sa bagong curriculum ng K to 12 program ang GMRC bilang regular subject at isinama na lang sa Social Studies o iba pang katulad nitong subject sa eskuwelahan.

Nilalayon ng subject na GMRC na maitatak sa isipan ng kabataan ang pagrespeto sa sarili, sa kapwa at mga nakatatanda gayundin ang pagpapahalaga sa pagpapasensya, pagtitiyaga, katapatan at mabuting layunin sa pakikihalubilo sa ibang tao.

Kasabay nito, inihain din ang  House Bill 4248 o ang Social Media Ethics Education Act of 2016  sa Kamara para  maisama sa curriculum ng formal education ang pagtuturo ng wastong asal sa social media.

vuukle comment

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT

SALVADOR BELARO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with