^

Bansa

Manggagawa masipag, Tulfo 'nang-iintriga' lang — labor leader

James Relativo - Philstar.com
Manggagawa masipag, Tulfo 'nang-iintriga' lang — labor leader
Mga manggagawa sa construction.
File

MANILA, Philippines — Pinalagan ng isang lider manggagawa ang 'di paghingi ng tawad ni special envoy to China Ramon Tulfo, matapos sabihing "tamad" at "mabagal" magtrabaho ang Pilipinong mga trabahante.

“Kaya nga tinawag na manggagawa, kasi nga gumagawa. Walang ibang dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa liban sa manggagawang Pilipino," sabi ni Leody de Guzman, Bukluran ng Manggagawa chair.

Dagdag ni De Guzman, na kandidato rin sa pagkasenador sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa, na patunay ang ipinagmamalaking gross domestic product at gross domestic product ng gobyerno sa kasipagan ng mga obrero.

Ipinagtanggol kasi kamakailan ni Tulfo ang pagdagsa ng mga manggagawang Tsino sa Pilipinas sa kabila ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Noong 2018, lumabas 52,000 Tsino ang binigyan ng alien employment permits ng Department of Labor and Employment.

"You know why developers prefer Chinese workers? They’re hardworking. When Filipino workers go to a job site, that’s only when they will start preparing their tools, whereas Chinese workers are already prepared. Filipino workers always smoke and keep talking," sabi niya sa panayam ng CNN Philippines.

Pero malayo na raw 'yan sa katotohanan, wika ni De Guzman.

Kung tutuusin daw, utang na loob sa mga manggagawang Pilipino ang mga produkto't serbisyo na pinakikinabangan ng lahat.

"[K]ung masipag man itong si Tulfo, ito ay kasipagang magsalita at mang-intriga."

Kwinestyon naman ng PLM ang pagpapatupad ng labor export policy ng pamahalaan sa kabila ng diumano'y pagrereklamo tungko sa kakulangan ng mga manggagawa mahusay.

"Bakit nagdadahilan ng kakulangan ng skilled workers ang gobyerno gayung sila na nga ang walang ginawa kundi ipagtulakan ang mga manggagawa na mag-apply ng trabaho sa ibang bansa," sabi ni Sonny Melencio, second nominee ng PLM party-list.

Aabot sa 2.3 milyong overseas Filipino workers ang nagtrabaho abroad mula Abril 2017 hanggang Setyembre ng nasabing taon ayon sa Philippine Statistics Authority.

Apologist?

Hindi rin nakaligtas mula kay Otso Diretso senatorial candidate Erin Tañada si Tulfo.

Sa panayam ng CNN Philippines, binanggit ni Tañada na tila nagiging tagapagsalita na ang dating broadcaster ng "maka-Tsinong" polisiya ng gobyerno.

"Kung siya ay magiging spokesperson, dapat magpalit na siya ng bandera. He should be called an apologist," sabi ni Tañada, na dati ring representatante ng Quezon.

"He can't generalize all Filipinos are tamad. I don't think that is correct," dagdag niya.

ERIN TANADA

LABOR ISSUES

RAMON TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with