^

Bansa

PNP inalerto sa buong bansa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP inalerto sa buong bansa
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Bernard Banac na epektibo alas-12:00 ng hatinggabi nitong Enero 27, 2019 ay isinailalim sa nationwide heightened alert ang puwersa ng pulisya.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isinailalim na kaha­pon sa nationwide heightened alert ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde ang 180,000 malakas na puwersa ng kapulisan sa buong bansa matapos ang malagim na pagpapasabog sa Our Lady of Mt . Carmel sa Jolo, Sulu na kumitil ng buhay ng 20 katao habang 112 pa ang nasugatan kamakalawa ng umaga.

 Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Bernard Banac na epektibo alas-12:00 ng hatinggabi nitong Enero 27, 2019 ay isinailalim sa nationwide heightened alert ang puwersa ng pulisya.

Kabilang sa 20 nasawi ay limang sundalo, isang miyembro ng Philippine Coast Guard at 14 sibilyan habang kabilang naman sa mga nasuga­tan ay dalawang pulis, 18 AFP personnels, 2 Coast Guard  at 90 mga sibilyan.

Ang mga nasugatan ay kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa pagamu tan.

Naganap ang pagpapasabog sa Jolo Cathedral ilang araw naman matapos na matalo sa plebisito ang Yes vote para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kung saan “solid no vote ‘ ito sa buong lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Banac ang nationwide alert status ay naglalayong hindi na muling maulit pa o hindi magkaroon ng spillover ang pambobomba ng mga terorista sa Jolo Cathedral sa iba pang lugar.

Inihayag pa ng opis­yal na lahat ng anggulo ay masusing tinitingnan upang matukoy ang motibo ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral habang nanawagan rin ito sa mga sibilyan na manatiling kalmado at maging vigilante upang maiwasan ang maging biktima ng pagatake ng teroristang grupo.

OSCAR ALBAYALDE

OUR LADY OF MT . CARMEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with