^

Bansa

68 death toll kay Usman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
68 death toll kay Usman
Maraming bayan ngayon sa Sorsogon province ang lubog sa baha kabilang ang Barangays Sta. Cruz at San Juan sa Casiguran town kung saan hindi na madaanan maging ang Bronosa bridge patungong Barangay Mabini. Apektado ng baha ang Sorsogon City, Juban, Magallanes, Bulan, Pilar, Matnog, Bulusan, Gubat, at Donsol. (Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office)

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 68 ang naitalang namatay sa delubyo ng bagyong Usman at Low Pressure Area (LPA) na sumalanta sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Edgar Posadas, sa update kahapon ay nakatanggap sila ng report na nasa 68 na ang nasawi sa Bicol Region at Eastern Visayas kung saan patuloy pa rin itong isinasailalim sa beripikasyon para maisyuhan muna ng death certificate ng Department of Health (DOH).

Kabilang dito ay nasa 59 ang nasawi na karamihan ay sa landslide sa Bicol Region habang pito ang nairekord na namatay sa landslide sa Calbayog City, Samar at dalawa pa sa ibang bahagi ng Eastern Visayas.

Kabilang sa mga nasawi sa Bicol Region ay 15 sa Albay, 23 sa Camarines Sur, anim sa Sorsogon kung saan apat rito ay mula sa lungsod ng Sorsogon, anim sa Camarines Norte, pito sa Masbate at dalawang iba pa sa iba pang lugar ng rehiyon.

Nasa 19 katao naman ang nawawala sa Albay at 11 ang nasugatan.

Naitala naman sa inis­yal na P2.73 milyon ang halaga ng mga pinsala sa agrikultura.

Nasa P2.13 milyon ang nasirang mga palayan na nasa 684 hektarya na nakaapekto sa may 195 magsasaka sa Camarines Sur at Samar.

Samantala, nasa P604,107 naman ang nasirang mga maisan na nakatanim sa 463 hektarya kung saan apektado ang nasa 197 magsasaka sa Camarines Sur at Masbate

Sinabi naman ni Po­sadas, na 61 pa lamang ang kanilang natatanggap na nasawi sa bagyong Usman pero patuloy itong bina-validate ng DOH.

Ayon kay Posadas, nasa 18 katao ang na­wa­wala at pinaghahanap sa Bicol Region at Eastern Visayas Region at nasa 12 naman ang sugatan sa Region IV B (MIMAROPA) Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

LOW PRESSURE AREA

TYPHOON USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with