Suplay ng bigas ngayong holiday season, sapat
MANILA, Philippines — Hindi kukulangin at sapat ang suplay ng bigas sa ating bansa.
Ito ang sinabi ni National Food Authority acting Administrator Tomas Escarez bunga na rin ng malaking bulto ng bigas na nakaimbak sa NFA warehouse nationwide.
Anya, ?may 16 milyong bags ng bigas ang nakakalat sa mga warehouse ng NFA na sapat upang punan ang pangangailangan ng mamamayan ngayong holiday season.
Maging sa pagpasok ng 2019 ay hindi anya kukulangin ang suplay dahil nadagdagan ang kanilang imbak na bigas mula sa ani ng local farmers.
Ang imbak na bigas o buffer stock ay partikular na ginagamit ng NFA sa mga lugar na sinasalanta ng kalamidad o kaguluhan tulad ng naganap sa Mindanao.
Binigyang diin din ni Escarez na wala namang magaganap na pananamantala ng mga rice traders dahil sapat ang suplay at palagiang naka-monitor ang mga tauhan sa galaw ng presyuhan ng bigas sa mga pamilihan.
Bukod anya ito sa patuloy na pagpapairal ng ahensiya sa SRP (Suggested Retail Price) sa suplay.
- Latest