^

Bansa

PCG sa mga pasahero: Mag-ingat sa kolorum

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PCG sa mga pasahero: Mag-ingat sa kolorum
Ayon kay PCG Spokes­man Capt. Armand Balilo, hinikayat niya ang publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum na bangka.

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero laban sa kolorum na mga bangkang mag-aalok na magtawid sa kanila sa dagat. 

Ayon kay PCG Spokes­man Capt. Armand Balilo, hinikayat niya ang publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum na bangka.

“Wala pong mga life-saving equipment ‘yan. Delikado po ‘yan,” ayon kay Balilo.

Sinabi ni Balilo, kapag hindi dumaan sa coast guard o anumang clearing unit ang bangka, ito ay kolorum. 

Kung mukha uma­nong fishing boat at walang life jackets sa loob ng bangka ay dapat na magduda rin na kolorum ito.

Gayunman, mahigpit na babantayan ng PCG  ang mga bangkang tatanggap ng pasahero na lampas sa kanilang kapasidad.

“Sa buong Pilipinas po, mayroon kaming directive na hulihin kung sinuman ang mga bangkang magdadagdag ng bilang,” dagdag pa ni Balilo. 

Katulad ng inaasahan, makapal na rin ang bilang ng mga taong pumupunta sa mga pantalan para makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Tiniyak naman niya ang seguridad ng mga biyahero at ipinaalala ang pagbabawal na magpuslit ng paputok.

Sinabi ni Balilo na hindi na dapat tangkain na magpuslit ng paputok dahil maraming nagbabantay na inspector.

vuukle comment

ARMAND BALILO

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with