^

Bansa

Madrigal next AFP chief

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Madrigal next AFP chief
Papalitan ni Madrigal si Gen. Carlito Galvez Jr. na nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre 12.
Province of Davao Oriental Facebook

MANILA, Philippines — Nakatakdang italaga ni Pangulong Duterte si Lieute­nant General Benjamin Madrigal Jr. bilang susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, ayon sa source sa Malacañang.

Papalitan ni Madrigal si Gen. Carlito Galvez Jr. na nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre 12.

Miyembro ng PMA “Sandiwa” Class of 1985 si Gen. Madrigal at nagsilbing chief ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).

Bukod kay Madrigal ay kasama rin sa shortlist na pinagpilian ni Pangulong Duterte si Army chief Lt. Gen. Macairog Alberto.

Samantala, itatalaga ni Pangulong Duterte si Galvez bilang susunod na pinuno ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Papalitan ni Galvez bilang OPAPP chief ang nagbi­tiw na si Sec. Jesus Dureza Jr. matapos sibakin ng Pangulo ang isang undersecretary at assistant secretary ng OPAPP.

Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Duterte kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio Jr. sa pagsisilbi nito sa kanyang administrasyon.

Ang papalit kay Sec. Rio ay si Sen. Gringo Honasan na itinalaga ng Pangulo bilang DICT chief.

BENJAMIN MADRIGAL JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with