^

Bansa

P3.757-T nat’l budget ipapasa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P3.757-T nat’l budget ipapasa
Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, nasa final stages na lamang sila sa pag-re­concile ng pagkakaiba at pag-amyenda sa budget at matapos nito ay ipapa-print na nila na ito kaya target nilang maipasa ang House Bill 8169 sa third reading sa Nobyembre 28.

MANILA, Philippines — Inaasahang ipapasa na ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa sa susunod na linggo ang panukalang P3.757 trillion national budget.

Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, nasa final stages na lamang sila sa pag-re­concile ng pagkakaiba at pag-amyenda sa budget at matapos nito ay ipapa-print na nila na ito kaya target nilang maipasa ang House Bill 8169 sa third reading sa Nobyembre 28.

Nauna nang siniguro ni Speaker Gloria Arroyo at Majority leader Rolando Andaya noong nakaraang linggo na walang re-enacted budget para sa susunod na taon.

Matatandaan na hindi agad naaprubahan ang national budget matapos na madiskubre na mayroon umanong P52 billion insertions ang nakaraang liderato ng Kamara kaya nagdesisyon si Arroyo na i-realign ang mga mahahalagang proyekto para sa equitable at fair distribution ng pondo.

MARIA CARMEN ZAMORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with