Pasahe sa dyip ibalik sa P8!
MANILA, Philippines — Dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa world market, dapat na ring magpatupad ng rolbak sa pamasahe sa mga dyip at bus.
Ayon kay Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III, dapat ibalik na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa P8 ang singil sa pamasahe dahil malaki naman na ang nabawas sa presyo ng krudo.
Sabi ni Abayon, kailangan ang urgent rollback upang agad itong mapakinabangan ng mga commuters at makatulong sa tumataas na gastusin sa bansa.
Paalala ng kongresista na wala namang economic at legal basis para sa kasalukuyang public transport fares.
Hinikayat din ng kongresista na sumunod ang LTFRB sa ‘parametric formula’ ni Transportation Sec. Arthur Tugade kung saan otomatikong ma-a-adjust ang PUV fares na hindi na kinakailangan ang fare hike o rollback petition at ibabase ang fare adjustment sa inflation at paggalaw ng presyo ng langis at krudo sa world market.
- Latest