^

Bansa

20% discount sa pasahe, bilihin hiling ng single parents

Pilipino Star Ngayon
20% discount sa pasahe, bilihin hiling ng single parents
Bukod sa mga benepisyong natatanggap ng mga solong magulang sa ilalim ng Solo Parents Welfare Act, kailangan pa ng mga single parent ng karagdagang suporta mula sa pamahalaan, sabi ni Carina Javier, national president ng Federation of Solo Parents dito sa bansa.

MANILA, Philippines — Gaya ng mga senior citizens at persons with disabilities, humiling ang isang grupo ng solo pa­rents na mabigyan din ng 20-porsiyentong diskuwento sa pamasahe at iba pang pangunahing bilihin.

Bukod sa mga benepisyong natatanggap ng mga solong magulang sa ilalim ng Solo Parents Welfare Act, kailangan pa ng mga single parent ng karagdagang suporta mula sa pamahalaan, sabi ni Carina Javier, national president ng Federation of Solo Parents dito sa bansa.

“’Yung 20-percent discount sa mga basic commodities, tuition fee, sa hospital expenses, laboratory, sa mga restaurants, sa pamasahe,” sabi ni Javier.

Sa ilalim ng batas, nakatatanggap ang mga solo parent ng karagda­gang 7-day leave, scho­larship para sa mga anak, housing benefits at medical assistance.

Noong nakaraang buwan ay nagpasa ng ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na bigyan ng 20-porsiyentong diskuwento sa mga kainan sa lungsod ang mga magpapakita ng solo parent ID.

Hiling ng grupo ni Javier na amiyendahan ang batas at mas bigyang suporta ang mga single parent sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.

Mayroong 18 panukala ngayon sa Kamara at 5 naman sa Senado upang amiyendahan ang naturang batas para sa mga single parent.

SINGLE PARENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with