^

Bansa

Halos 9-K kukuha ng Bar Exam

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Halos 9-K kukuha ng Bar Exam
Batay sa records ng Office of the Bar Confidant (OBC), may kabuuang 8,701 ang bilang ng mga nagtapos ng abogasya na kukuha ng pagsusulit, na pinakamalaking bilang sa kasaysayan ng Bar Exam.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakalatag na ang ‘con­tingency plan” para sa 2018 Bar Exam na gagawin sa apat na Linggo ng Nobyembre (4,11,18 at 25) sa University of Sto. Tomas (UST) sa Sampa­loc, Maynila. 

Batay sa records ng Office of the Bar Confidant (OBC), may kabuuang 8,701 ang bilang ng mga nagtapos ng abogasya na kukuha ng pagsusulit, na pinakamalaking bilang sa kasaysayan ng Bar Exam. 

Ang 2018 Bar exam ay pinamumunuan ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo. 

Kaugnay nito ayon kay Deputy Clerk of Court and Bar Confidant Ma. Cristina B. Layusa, 10 bus ang inihanda para sakyan ng mga examinees at duty personnel na ikakalat sa pick up points kung magkakaroon ng mga malakas na pag-ulan. 

Alas ?4:30 ng mada­ling araw ay nasa pick-up point na ang mga bus at eksaktong alas-5 ng umaga ay aalis na ito para ihatid ang mga examinees sa UST. 

Kabilang sa itinala­gang pick-up points ang Quezon City Memorial Circle near Philippine Coconut Authority (dala­wang bus); Park and Ride, Lawton, Manila (1 bus); SC New Building Compound, Taft Avenue (2 bus); Greenbelt at Glorietta, Ayala Center, Makati (2 bus) at Marikina Sports Complex (1 bus).

Tanging mga Bar examinees at duty personnel lamang ang papayagan na makasakay sa  shuttle bus at ito ay first-come, first-served basis kung saan kinakailangan na ipakita ang kanilang Notice of Admission, Gate Pass o identification cards sa bus driver para payagan silang makasakay.

2018 BAR EXAM

OFFICE OF THE BAR CONFIDANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with