^

Bansa

Resulta sa ‘Red October’ probe isusumite na ng NBI

Joy Cantos, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Resulta sa  âRed Octoberâ  probe isusumite na ng NBI
Matatandaang sinabi ng ilang military officials na nagsanib-puwersa umano ang mga grupo ng communist rebels at kritiko ni Duterte upang mapatalsik siya sa puwesto sa susunod na buwan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakatakdang isumite ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang  initial findings sa imbestigasyon nito sa “Red October” plot laban kay  President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra,  inimbestigahan na ng NBI ang report matapos na makatanggap ng impormasyon ang Malacañang tungkol dito

Matatandaang sinabi ng ilang military officials na nagsanib-puwersa umano ang mga grupo ng  communist rebels at kritiko ni Duterte upang mapatalsik siya sa puwesto sa susunod na buwan.

Samantala, pinaalalahanan kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., sa  195,000 malakas na puwersa ng mga sundalo na dumistansya sa pulitika kaugnay ng umano’y recruitment sa Red October.

 Ginawa ni Galvez ang pahayag sa flag raising ceremony sa Camp Aguinaldo matapos na maalarma ang AFP sa pagkakabulgar sa Red October o ang umano’y matinding sabwatan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army, Magdalo Group, Movement Against Tyran­ny at ang Tindig Pilipinas ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino upang patalsikin sa puwesto  ang administrasyon.

COMMUNIST REBELS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with