Panuntunan sa media coverage sa House ihahanda
MANILA, Philippines — Magtatakda na ng guidelines para sa coverage ng media sa mga aktibidad ng mga kongresista at sa loob ng Kamara de Representantes.
Ayon kay House Committee on Public Information Chairman Ben Evardone na muntik nang ipa-adopt sa plenaryo ang guidelines na ito bilang bahagi na ng panuntunan ng kapulungan.
Subalit minabuti umano ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na idaan ito sa committee level kaya kinailangang magkaroon ng resolusyon.
Sinabi pa ng kongresista na makakasikil sa coverage ng media sa Kamara ang guidelines kaya ipinangako niyang ikukunsulta ito sa House Media.
Bagamat ayaw tawaging prior restraint sa media ang guidelines na ito, sinabi ng kongresista na hindi siya papayaag na ikahon ang mamamahayag sa coverage sa mga kongresista at sa kapulungan.
- Latest