^

Bansa

Final decision ng SC sa IRA ng LGUs hiling

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Final decision ng SC sa IRA ng LGUs hiling
Sa petisyon, nais ni Mandanas na magkaroon na ng ‘Entry of Finality of Judgement’ ang na­ging hatol na ipinalabas ng Supreme Court (SC) kaugnay sa IRA matapos hindi maghain ng motion for reconsideration (MR) ang national government sa desisyong ipinalabas ng SC noong Hulyo 26.

MANILA, Philippines — Hiniling sa Korte Suprema ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na isapinal na ang desisyon kaugnay sa pagdaragdag ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga Local Government Units (LGUs), na hindi isinasama, mga ilan taon nang nakalilipas.

Sa petisyon, nais ni Mandanas na magkaroon na ng ‘Entry of Finality of Judgement’ ang na­ging hatol na ipinalabas ng Supreme Court (SC) kaugnay sa IRA matapos hindi maghain ng motion for reconsideration (MR) ang national government sa desisyong ipinalabas ng SC noong Hulyo 26.

Sinabi ni Mandanas, nangangahulugan na ma­daragdagan ng P250 bil­yon sa taong 2019 ang IRA ng LGUs na kukunin sa mga ibinabayad na buwis sa Bureau of Customs (BOC).

Ang naturang kaso ay may anim na taon nang ipinaglaban ni Mandanas, mula pa nung siya ay isang kongresista at na­ging dahilan kung bakit siya natanggal sa House Committee on Ways and Means noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulo Benigno Aquino III.

Inaasahan na kapag naisapinal na ang desis­yon ng SC ay maibabahagi na ang dagdag na IRA para sa mas madali at mabilis na pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.

Sumulat rin si Mandamas kay Pangulong Duterte para ipaalam ang nabanggit na desisyon ng SC at para hilingin ang mabilis na implementasyon ng nabanggit na desisyon sa susunod na taon.

HERMILANDO MANDANAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with