100 scalawag cops pinagmumura ni Digong

MANILA, Philippines — Naligo ng mura mula kay Pangulong Duterte ang humigit-kumulang sa 100 pulis scalawags na may iba’t ibang kaso na iniharap nina DILG officer in charge Eduardo Año at PNP chief Oscar Albayalde kahapon sa Malacañang.
“I have created a special team, created just to kill you! Salot kayo,” sabi ng Pangulo sa mga pulis.
Hinimok pa ng Pangulo ang mga may kasong pulis na huwag nang magpiyansa dahil mas ligtas sila sa kulungan.
“May special unit ako na babantayan kayo habang buhay. Pag nagkamali nang kaunti, sasabihin, patayin kayo,” babala pa ni Duterte.
Ayon kay Albayalde, ang kaso ng mga pulis na ito ay kidnapping, rape, robbery, extortion, illegal drugs, AWOL, non-appearance in court duties, grave misconduct at irregularities in the performance of duty.
“Hindi ko maintindihan kung paano kayong mga kriminal, nakapasok sa pulis,” dagdag pa ni Duterte sa erring cops.
May 80 pulis ay mula sa National Capital Region kabilang ang 3 pulis mula sa Taguig habang ang iba ay mula sa PRO 3 at Calabarzon.
Nilinaw naman ni NCRPO director Guillermo Elleazar na hindi lahat ng pulis na iniharap kay Pangulong Duterte ay may kasong kriminal kundi ang iba dito ay administrative cases lamang. Ang mga may kasong kriminal at nakakulong ay inilabas mula sa jail para iprisinta sa Pangulo.
- Latest


















