^

Bansa

Tulong sa mga jeepney driver pinamamadali

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tulong sa mga jeepney  driver pinamamadali
Bago rito, nanawagan si Sen. Bam sa pamahalaan na muling pag-aralan ang programa upang matiyak na sapat ang tulong na ibinibigay sa mga jeepney driver para tugunan ang pagtaas sa presyo ng la­ngis at iba pang bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Bam Aquino sa pamahalaan na agad ilabas ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Pantawid Pasada Program at tiyakin na direktang mapupunta sa mga jeepney driver ang tulong.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, bibigyan ng kabuuang P5,000 ang jeepney drivers para sa huling anim na buwan ng 2018. Ito’y katumbas ng P833 kada buwan o P27.7 bawat araw.

Bago rito, nanawagan si Sen. Bam sa pamahalaan na muling pag-aralan ang programa upang matiyak na sapat ang tulong na ibinibigay sa mga jeepney driver para tugunan ang pagtaas sa presyo ng la­ngis at iba pang bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Hindi pa sapat ang tulong ng Pantawid Pasada Program dahil wala pang isang litro ng diesel ang bigay nito sa ating mga jeepney driver. Kulang na nga, hindi pa nila ma-roll-out agad-agad,” wika niya.

Inulit din ng senador ang panawagan sa Department of Transportation (DOTr) na palawakin ang Pantawid Pasada Program sa iba pang uri ng transportasyon tulad ng tricycles at UV express.

PANTAWID PASADA PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with