Pagdaong ng Chinese ship sa Davao walang masama

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Malacañang na walang masama at walang isyu ang pagdaong ng isang Chinese research vessel sa Davao City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat naman ng barkong galing sa mga itinuturing na kaibigan ng Pilipinas ay pinapayagang makadaong sa ating mga pantalan.
Ayon kay Roque, tanging mga may “Sinophobia” o may phobia sa mga Chinese ang kokontra sa nasabing insidente.
Ang survey ship ng China na Yuan Wang 3 ay ikaapat ng Chinese vessel na dumaong sa Pilipinas simula nang maupo sa posisyon si Pangulong Duterte.
Iginiit naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na may kaukulang koordinasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at China bago dumating ang Chinese survey ship sa Davao City para umano mag-refurbish o may aayusin bago bumalik ng China.
- Latest























