^

Bansa

‘Hired guns lipulin’- PNP chief

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Hired guns lipulin�- PNP chief
Kasunod ng magkakasunod na pagpatay kina Tanauan City Mayor Antonio Halili noong Hulyo 2; General Tinio, Nueva Ecija Mayor Fernando Bote noong Hulyo 3 sa ambush sa Cabanatuan City at panghuli ay nitong Sabado nang pagbabarilin at mapatay rin si Trece Martires City, Vice Mayor Alexander Lubigan.

Dahil sa pagpatay sa mga local execs

MANILA, Philippines — Upang maiwasang maulit pa ang pamamaslang sa mga lokal na opisyal, inutos kahapon ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde ang malawakang paghuli sa naglipanang mga gun for hire at  78 pang natukoy na Private Armed Groups  sa  bansa.

Kasunod ng magkakasunod na pagpatay kina Tanauan City Mayor Antonio Halili noong Hulyo 2; General Tinio, Nueva Ecija Mayor Fernando Bote noong Hulyo 3 sa ambush sa Cabanatuan City at panghuli ay nitong Sabado  nang pagbabarilin at mapatay rin si Trece Martires City, Vice Mayor Alexander Lubigan.

Sinabi ni Albayalde na dahil mga pulitiko tulad ng mga mayor at bise alkalde ang target ay pulitika ang nangungunang motibo at pinaigting na ang seguridad  kaugnay ng gaganaping 2019 mid term elections sa bansa.

Kabilang sa isasagawa ng PNP ang pagpapalakas ng police visibility, random checkpoints 24/7, focused law enforcement operations  upang mapigilan ang posible pang mga insidente ng karahasan na may kaugnayan sa pulitika.

Aniya, asahan na ang pagpapaigting ng checkpoint 24/7 sa buong bansa partikular na sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Samantalang paiigti­ngin din ang intelligence operations at paglipol laban sa mga gun for hire at maging PAGs.

 Ayon kay Albayalde, nasa 78 grupo ng mga PAGs ang hawak ng mga pulitiko sa Mindanao  habang ang  mga gun for hire na ginagamit sa pagtumba  o pagpatay sa mga kalaban sa pulitika  ay karamihan ay nakabase sa Luzon at ilan lamang sa Visayas Region.

 Sinabi ni Albayalde, base sa inisyal na imbes­tigasyon, hindi konektado ang mga pagpatay sa mga lokal na opisyal bagkus ay magkakaiba ang motibo na nagkataon lamang na magkakasunod ito.

Nilinaw pa ni Alba­yalde na hindi totoo na mayroong direktiba si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga pulitiko dahil malabo na may mangyari na mga  pulis pa ang nasa likod at gagawa nito.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with