^

Bansa

2 kinidnap na Pinay sa Iraq nakalaya na!

Pia Christine Brago - Pilipino Star Ngayon
2 kinidnap na Pinay sa Iraq nakalaya na!
Iniulat ng mga awtoridad na Iraqi sa Philippine Embassy sa Baghdad kamakalawa na nasa kustodya na ngayon ng pulisya ang mga biktima makaraang masagip sa Diyala Province sa hilaga ng Baghdad noong Sabado.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs na pinalaya na ang dalawang Pilipinang kinidnap sa Baghdad, Iraq noong Biyernes.

Pinasalamatan ng DFA ang mga awtoridad na Iraqi sa mabilis na pagliligtas sa dalawang Pilipina.

Iniulat ng mga awtoridad na Iraqi sa Philippine Embassy sa Baghdad kamakalawa na nasa kustodya na ngayon ng pulisya ang mga biktima makaraang masagip sa Diyala Province sa hilaga ng Baghdad noong Sabado.

Sa kanyang report sa DFA, sinabi ni Charge d’Affaires Julius Torres na nasabihan na ang embahada  ng mga awtoridad ng Diyala  na ang dalawa ay nasagip mula sa isang grupong criminal na dumukot sa mga ito noong Biyernes.

Ilang miyembro ng grupo ang nadakip sa isina­gawang operasyon ng pulisyang Iraqi at inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Sinabi ni Torres na hiniling ng embahada sa mga awtoridad na Iraqi na payagan silang makausap ang nailigtas na mga Pilipina at ang dalawa pang Pilipina na naunang napaulat na nakuha ng mga awtoridad makaraang makatakas sa naturan ding grupo ng mga kidnapper.

Ayon sa ulat na tinanggap ng embahada, ang apat na Pilipina ay kagaga­ling lang sa Erbil sa nor­thern Kurdistan region at papunta sa Baghdad nang ang kanilang sasakyan ay harangin ng armadong grupo sa Uzem district sa pagitan ng Kirkuk at Diyala.  

ALLAN PETER CAYETANO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with