^

Bansa

Solon na pro-marijuana bill, mag-Canada na lang- Atienza

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Solon na pro-marijuana bill,  mag-Canada na lang- Atienza
Ginawa ni Atienza ang pahayag matapos na pumasa sa Kongreso ng Canada ang recreational use ng Marijuana.
File

MANILA, Philippines — Hinimok ni Buhay partylist Rep. Lito Atiienza ang mga kongresistang pabor sa marijuana bill na mag-migrate ng Canada para doon gumamit nito.

Ginawa ni Atienza ang pahayag matapos na pumasa  sa Kongreso ng Canada ang recreational use ng Marijuana.

Ayon sa kongresista, sa halip na pilit itulak pa ang legalisasyon ng paggamit ng marijuana sa bansa ay dapat mag-migrate na lamang sa Canada ang mga mambabatas na nagsusulong nito.

Doon umano ay libre sila na humithit gaano man ka­daming lason ng marijuana na gusto nila.

Matatandaan na nakabitin pa rin sa Kamara ang House Bill 6517 ni Isabela Rep. Rodito Albano na naglalayong gawing legal ang medical marijuana na umano’y makakatulong sa mga pasyenteng may malalang sakit tulad ng cancer.

Buwelta naman ni Albano, si Atienza ay parang high kung magsalita dahil pinalalabo niya ang tunay na issue.

Nilinaw pa niya na hindi naman recreational use ng marijuana ang kanilang ipinapanukala kung ito ay para sa  kapakanan ng mga pasyente na naghahanap ng alternatibong tulong.

HOUSE BILL 6517

LITO ATIIENZA

RODITO ALBANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with