^

Bansa

Drug testing sa kabataan, maaaring maging sanhi ng katiwalian – Kiko

Jaeger Dwayne G. Tamaray - Pilipino Star Ngayon
Drug testing sa kabataan, maaaring maging sanhi ng katiwalian – Kiko
Ang panukalang isailalim sa mandatory drug testing ang kabataan ay nangunguhulugang hindi epektibo ang kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrgio Duterte, ayon kay Sen. Kiko Pangilinan.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines – Hindi nagustuhan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magpatupad ng “mandatory drug testing” para sa mag-aaral mula sa ikaapat hangang ika-12 baitang sapagkat ito raw ay maaring maging sanhi ng katiwalian.

Sinabi ni Pangilinan na ang panukala ay maaring umabot sa paggastos ng mahigit kumulang na P2.8 bilyon at maaring pagkakitaan ng kung sinu-sino.

Mula ikaapat hanggang ika-12 baitang, mayroong populasyon ng halos 14 bilyong mag-aaral na may iba pang pangangailangan. Kaya naman ayon kay Pangilinan, imbis na maging sanhi ng katiwalian, ang puhunan para sa panukalang ito ay mas magandang gamitin nalamang sa pagpapaganda ng paaralan, pambili ng libro, pakain sa mga bata at ibigay sa mga guro.

Bukod pa rito, ang pagpapalabas ng panukalang ito ay nagsasaad na ang brutal na laban ni Pangulong Duterte kontra droga ay hindi epektibo.

Ayon sa Department of Education malalabag ng panukalang ito ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pakiusap ni Pangilinan sa PDEA na “shelve this slapdash and panicky plan trained on little children, and instead go after the big drug lords to stop the flow of illegal drugs.”

MANDATORY DRUG TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with