^

Bansa

Malversation, graft dapat ikinaso kina Aquino, Abad – Palasyo

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malversation, graft dapat ikinaso  kina Aquino, Abad – Palasyo
Sa ilalim ng article 239 ng Revised Penal Code, ang usurpation of legislative powers ay may parusang 6 na buwan at isang araw na kulong, pansa­mantalang disqualification at multang hindi lalampas sa P1,000.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Palas­yo na dapat mas mabigat na kaso ang isinampa ng Ombudsman laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget Sec. Florencio Abad sa halip na usurpation of legislative powers kaugn­ay sa pagpapatupad nito ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng nakaraang administrasyon.

Sa ilalim ng article 239 ng Revised Penal Code, ang usurpation of legislative powers ay may parusang 6 na buwan at isang araw na kulong, pansa­mantalang disqualification at multang hindi lalampas sa P1,000.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang dapat ikinaso ng Ombudsman kina Aquino at Abad ay malversation at graft sa halip na usurpation of legislative powers.

“It was a very serious breach of the Constitution and I think charging him with something that would entail imprisonment of 6 months, which is probationable, is not proportionate to what the Court decided,” sabi ni Roque.

“There’s a decision of the Supreme Court that the Constitution was violated. I don’t understand why it took all this time to charge him finally criminally and literally a month before she retires,” sabi pa ni Roque.

Hindi rin kuntento si Sen. Richard Gordon sa kasong usurpation of powers na isinampa kina Aquino at Abad.

Paliwanag ni Gordon, dapat ay kasama ang kasong technical malversation dahil pinakialaman umano nina Aquino at Abad ang pondo sa pamamagitan ng pagdedeklara rito na savings upang magamit sa ibang paraan.

BENIGNO AQUINO III

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FLORENCIO ABAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with