^

Bansa

Drug war hindi maaapektuhan ng operasyon vs tambay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug war hindi maaapektuhan ng operasyon vs tambay
Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar ­Albayalde.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pa rin ang anti-drug war ­operations at hindi ito maaapektuhan ng­ ‘Oplan Rody’ o ang panghuhuli ng tambay  lalo na kapag dis-oras ng gabi partikular na sa Metro Manila .

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar ­Albayalde.

Binigyang diin ni Albayalde na hindi nila pababayaan ang giyera kontra droga kahit na nakatutok ang kapulisan ngayon sa panghuhuli ng mga tambay.

Sinabi ni Albayalde na ibang mga pulis naman mula sa mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ang nagsasagawa ng operasyon laban sa mga high value target at street level drug pushing .

“Hindi siguro kasi remember yung mga tao natin na involved sa waron drugs are all vetted, they are not engaged in other law enforcement except for violation of 9165”, anang PNP Chief.

Samantalang ang mga nagsasagawa ng pagpapatrolya ang naninita at nanghuhuli ng mga tambay o mga pasaway sa kalye lalo na kapag gabi.

Ayon kay Alba­yalde, hindi maaring pabayaan ang ­giyera kontra droga dahil malaki pa rin ang problema sa droga ng bansa .

ANTI-DRUG WAR ­OPERATIONS

OPLAN RODY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with