1 patay kay ‘Domeng’
MANILA, Philippines — Sinabi ni Edgar Posadas, spokesperson ng NDRRMC, na ang biktima ay staff ng isang resort sa El Nido, Palawan na nawala noong Hunyo 6 at natagpuan lamang nitong Hunyo 8.
Ayon kay Posadas, kinilala ang bangkay ng biktima ng isang turista matapos siyang makita sa dalampasigan na wala ng buhay at huling nakita na nakasakay sa isang jetski.
Bukod umano dito ay wala nang naitatala pa ang NDRRMC na casualty dahil sa bagyo.
Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Domeng kahapon ng umaga subalit papalakasin pa rin nito ang habagat kaya patuloy ang pag-ulan sa buong bansa at inaasahang gaganda na ang panahon sa Martes.
Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang orange warning level sa Cavite dahil sa banta ng pagbaha habang yellow warning naman sa Zambales, Bataan, Tarlac, Batangas at Laguna na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mababang lugar.
- Latest