500 Pinoy nurses kailangan sa Germany
MANILA, Philippines — Nangangailangan umano ng nasa humigit kumulang 500 Pinoy nurses ang Germany.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, hangad ngayon ng Germany na punuan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang healthcare industry.
Maaari raw na mag-apply ang mga interesado rito sa website ng POLE o sa pamamagitan ng mga accredited private recruitment agencies.
Ang mga assistant nurses, o iyong mga hindi pa nakakapasa sa licensure examination ng Germany, ay makakatanggap ng starting salary na 1,900 Euros o nasa humigit kumulang P118,266.
Ang mga nurse naman na pasado sa licensure exam ng naturang European country ay may starting salary na 2,300 Euros o humigit kumulang P143,165.
Ayon kay Olalia, kailangan daw makapasa ng mga nurse sa German language proficiency test para maging registered nurse.
Hinimok naman nito ang mga interesadong magtrabaho sa Germany na tingnan ang listahan ng mga recruitment agencies bago mag-apply sa trabaho upang makaiwas sa mga scam o modus.
- Latest