^

Bansa

P60-M bayad ng DOT hindi pa naisosoli

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
P60-M bayad ng DOT  hindi pa naisosoli
Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo–Puyat matapos matanong hinggil sa usapin sa kanyang naging kumpirmasyon kahapon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi pa naibabalik ng production company na Bitag Media Unlimited Inc. ang P60 milyong ibinayad ng Department of Tourism (DOT) para sa placement ad dito.

Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo–Puyat matapos matanong hinggil sa usapin sa kanyang naging kumpirmasyon kahapon.

Ayon kay Puyat, aalamin niya ang dahilan kung bakit hindi pa naibabalik ang nasabing halaga gayung sila mismo ang nagsabi na handa silang ibalik ito.

Binigyan diin ni Puyat na ayaw niyang magpabida sa mga isyung kinasasangkutan ng DOT kaya’t makabubuti na gawin ng mga sangkot ang kanilang dapat gawin.

Matatandaang ipinangako ng abogado ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na si Atty. Ferdinand Topacio na napagpasiyahan aniya ng magkakapatid na Tulfo na ibalik na lamang ang P60 milyon ng DOT para sa ipinasok na commercial sa programang Kilos Pronto.

Magugunita ring nagbitiw sa puwesto si Teo dahil sa nasabing kontrobersiya.

BERNADETTE ROMULO–PUYAT

BITAG MEDIA UNLIMITED INC.

DEPARTMENT OF TOURISM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with