Sotto makikipag-pulong kay Alvarez
MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagpulong si Senate President Tito Sotto kay House Speaker Pantaleon Alvarez matapos ang pagkakatalaga nito bilang bagong lider ng Senado.
Sinabi ni Sen. Sotto na mas lalo nitong palalakasin ang relasyon sa mababang kapulungan ng Kongreso para manatili ang komunikasyon kaugnay sa priority bills at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Maging ang relasyon ng Senado sa Executive branch ay mananatiling maayos pagdating sa usapin sa mga mahahalagang batas na kakailanganin ng mamamayan.
Iginiit din ng bagong lider ng Senado na hindi lamang ang mayorya ang pakikinggan nito kundi maging ang minority members na kinabibilangan ng opposition senators.
Idinagdag pa ni Sotto, walang mababago sa mga naunang priority bills sa ilalim ng pamumuno ni dating Senate President Koko Pimentel tulad ng pagpapasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) at ilan pang panukalang nakabinbin.
Kamakalawa ng gabi ay inabot ng hanggang alas-8:00 ang deliberasyon ukol sa BBL at iba pang mahahalagang usapin.
- Latest