Iloilo City ipinapupuwera sa VP recount
MANILA, Philippines — Hindi umano dapat na kasamang i-retrieve ang ballot boxes sa Iloilo City dahil hiwalay at independent ito sa Iloilo province, ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo.
Isa ang Iloilo City sa tatlong pilot provinces na pinili nang natalong vice presidential candidate na si Bongbong Marcos Jr. para sa initial ballot recount.
Kahapon, nagsimula na ang Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal sa pag-retrieve sa mga ballot boxes sa buong Iloilo province kung saan nakatakda naman na i-retrieve ang ballot boxes sa Iloilo City ngayon.
Ayon kay Atty. Emil Marañon III, isa sa legal counsel ni Robredo, isa sa tatlong pilot provinces ni Marcos ay Iloilo at ang Iloilo City ay hindi umano parte ng Iloilo province kaya lilinawin umano nila sa SC ang hinggil sa saklaw ng retrieval sa Iloilo. Noong nakaraang eleksyon ay hiwalay na ang certificate of canvass ng Iloilo City sa Iloilo province.
Ang dalawa pang pilot provinces bukod sa Iloilo province na pinili ni Marcos ay ang Negros Oriental at ang pinagmulan ng kasalukuyang binibilang na balota ng PET, ang Camarimes Sur.
- Latest