^

Bansa

Pagbaligtad ng SC sa quo warranto ruling malabo?

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon
Pagbaligtad ng SC sa quo  warranto ruling malabo?
Ito ang nabatid sa da­lawang impormante sa Mataas na Hukuman kaugnay ng plano ni Sereno na umapela at magsampa ng motion for reconsideration.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Malabo umanong ba­ligtarin ng Supreme Court ang desisyon nito noong Biyernes na pumabor sa petisyon ng Solicitor General na patalsikin sa puwesto si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ang nabatid sa da­lawang impormante sa Mataas na Hukuman kaugnay ng plano ni Sereno na umapela at magsampa ng motion for reconsideration.

Sinabi ng mga impormante na hindi hayagang pinagbabawal sa desisyon ang pagsasampa ng apela pero mababasang ganito ang epekto ng desisyon.

Humiling ang impor­mante na itago ang kani­lang pangalan dahil wala silang awtoridad na magsalita sa ngalan ng korte.

Binanggit ng impormante ang isang bahagi ng desisyon na nagsasaad na kagyat ang pagpapatupad nito nang hindi na kailangan ang ibayo pang hakbang ng Hukuman.

Ayon sa isa pang im­pormante, maaaring mag­sampa si Sereno ng motion for reconsideration  pero tatanggihan lang ito o iisnabin ng Mataas na Hukuman.

Umaasa ang mga abogado ni Sereno na maaa­ring hingin nilang maba­ligtad ang desisyon dahil sa closed voting na 8-6 ng mga mahistrado.

MA. LOURDES SERENO

QUO WARRANTO

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with