^

Bansa

Kandidatong tserman sakote sa arms cache

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng pulisya ang isang dating kagawad na kumakandidatong chairman matapos masamsaman ng iba’t-ibang uri ng armas sa kanyang bahay sa Barangay Sta. Isabel Norte, Ilagan City, Isabela kamakalawa.

Sinabi ni Supt. Ariel Quilang, hepe ng Regional Special Operations Group na isang M14 rifle, isang desabog, isang Cal.22 rifle at sari-saring mga bala ang nakuha sa pag-i­ingat ni Franklin Bolibol.

Ayon kay Quilang, isi­nagawa ang raid sa teritoryo ni Bolibol matapos ipalabas ni Ilagan City RTC Judge Rodolfo Dizon ang search warrant sa lugar. Matatandaan na may parehong kaso si Bolibol ukol sa armas matapos siyang sitahin at ipadampot kasama ang apat pang iba nang noon ay Mayor na si Josemarie Diaz matapos silang mahuling may bitbit na matataas na kalibre ng baril sa kanyang teritoryo noong 2014.

vuukle comment

KAGAWAD

NASAKOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with