^

Bansa

Voluntary drug test sa Bgy., SK bets hingi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Voluntary drug test sa Bgy., SK bets hingi
Sinabi ni Barbers na ang resulta ng drug test ay dapat din kusang isumite ng mga kandidato sa Commission on Elections para sa documentation at publication.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hinikayat ni House Dangerous Drugs committee chairman Rep. Robert Ace Barbers ang mga kandidato sa Barangay at SK elections na magboluntaryo nang sumailalim sa drug test.

Sinabi ni Barbers na ang resulta ng drug test ay dapat din kusang isumite ng mga kandidato sa Commission on Elections para sa documentation at publication.

Dahil dito kaya susulat ang kongresista sa Comelec para pagtakdain ito ng timeline para sa voluntary drug testing ng mga kandidato at pagsusumite ng resulta nito.

Hihilingin din ng kongresista sa DILG na papirmahin sa covenant ang mga kandidato kung saan kanilang kokondenahin ang iligal na droga at hindi sila suportado ng sindikato ng droga.

Ayon pa kay Barbers, ang tatanggi sa voluntary drug test ay tiyak na pagdududahan ng mga botante.

Iginiit naman ng mam­babatas na ang apela sa publiko na maging maingat sa pagpili ng iboboto sa Barangay at SK elections ay para hindi lamang kwalipikado kundi wala rin koneksyon sa droga ang kanilang mailuluklok sa pwesto.

BARANGAY AT SK ELECTIONS

DRUG TEST

ROBERT ACE BARBERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with