Aquaculture isinulong sa food security
MANILA, Philippines — Bilang sagot sa kakulangan sa pagkain, isinulong ni Sen. Cynthia A. Villar ang aquaculture sa long-term food security goals ng bansa.
Ayon kay Villar, ang “aquaculture” ang maituturing na sagot para sa kakulangan ng pagkain sa hinaharap.
“Aquaculture is the future. It will feed us, especially kapag nagkatotoo ang warning ng experts na by 2050 ay baka virtual deserts na ang ating mga oceans. In the years ahead, lalo pang lalaki ang share ng aquaculture o fish farming sa fish production,” pahayag ni Villar, chairperson of the Senate Committee on Food and Agriculture.
Hinimok din ni Villar ang mga mangingisda at mga farm owners, enthusiasts at cooperative members na samantalahin ang umuusbong na negosyo na sinabing umaabot na sa mahigit $1.58 billion na industriya.
Kamakailan ay nagsagawa ng 10-day training program sa freshwater aquaculture ang Villar SIPAG sa pakikipag-partner sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na idinaos sa Vintahanan floating village sa Muntinlupa.
- Latest