^

Bansa

Obstruction of justice vs DoH Sec. Duque

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Obstruction of justice vs DoH Sec. Duque
Ayon kay PAO forensic expert Erwin Erfe, naapektuhan ang internal organs ng mga bata na pinaniniwalaang namatay bunsod ng pagkakaturok ng anti-dengue vaccine. Ito rin ang dahilan ng kanilang pagsasagawa ng re-autopsy sa mga biktima.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong Osbtruction of Justice sa Department of Justice ng Public Attorneys Office (PAO) si Health Secretary Francisco Duque kaugnay ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay PAO forensic expert Erwin Erfe, naapektuhan ang internal organs ng mga bata na pinaniniwalaang namatay bunsod ng pagkakaturok ng anti-dengue vaccine. Ito rin ang dahilan ng kanilang pagsasagawa ng re-autopsy sa mga biktima.

Sa katunayan, isa mga biktima ay wala na umanong appendix. Ani Erfe, ang mga bata ay una nang isinailalim sa autopsy ng DoH.

Nagtataka si Efre kung bakit pinagbabawal ng mga ospital ang pagsasagawa ng PAO ng autopsy sa mga naturukan ng Dengvaxia.

Isa sa mga reklamo ay mula sa magulang ni  Abbie Hedia, 13, na naturukan ng vaccine noong Nobyembre 17, 2017 at namatay noong Pebrero 7.

Noong nakaraang linggo ay sinampahan din ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Torture Law si Duque.

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with