^

Bansa

15 -anyos na NPA recruit patay sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng militar na isang 15-anyos na menor de edad na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng militar sa Brgy. Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur .

Ayon  kay Lt. Col. Rhojun Rosales, Commander ng Army’s 39th Infantry Battalion, ito’y matapos na positibo nang kilalanin kahapon ng kaniyang pamilya ang napatay na rebeldeng binatilyo.

Tinukoy ni Rosales ang nasawi na si Rondo Ondo, ng Sitio Tombo, Brgy. Old Bulatukan, Makilala, North Cotabato.

Ang nasawing NPA ay una nang inilagak sa Funeral Parlor sa Sta. Cruz, Davao del Sur kung saan kahapon ay nakilala ito matapos na magtungo sa punerarya ang ina  na si Marissa Ondo na kumilala rito.

Sinabi ng opisyal na ang bangkay ni Ondo ay narekober  habang nakasuot ito ng kulay itim na uniporme ng NPA fighers at nakuha rin sa tabi ng bangkay nito ang isang M16 rifle.

Kinondena naman ni AFP–Easten Mindanao Command Chief Major Gen. Benjamin Madrigal ang panlilinlang ng CPP-NPA sa kanilang mga recruits kung saan ay gina­gamit ng mga itong frontliner sa bakbakan ang mga bagong recruits na menor de edad.  

MENOR DE EDAD

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with