Operation tule aarangkada na
MANILA, Philippines — Umarangkada na ang taunang ‘Operation Tule’ sa Caloocan City makaraang inisyal na 170 batang lalaki ang nakalagpas na sa unang hakbang sa kanilang pagbibinata.
Sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na sumugod ang mga kabataang lalaki, kasama ang kanilang mga magulang o ‘guardian’ habang ang iba ay mas matapang na nagtungo nang solo sa Caloocan City Medical Center (Annex) dahil sa libreng tule.
Binati at pinasalamatan ni Malapitan ang mga doctor at nurse na nakibahagi sa ‘Operation Tule’. Sampung doctor at 20 nurses sa panguguna ni Dr. Fernando Santos, hospital administrator ang namahala sa operasyon.
Magtutuluy-tuloy pa ang Operation Tule na nag-umpisa nitong Abril 16 at matatapos sa Mayo 16 sa iba pang mga barangay sa lungsod. Nasa 44 na health centers ang magsasagawa nito nang libre para sa mga kabataan na handa na para dito.
- Latest


















