^

Bansa

Comelec nagdaos ng ‘botohan’ sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Comelec nagdaos ng ‘botohan’ sa Maynila
Venidict Venancio 16yrs old show his finger after vote during the Simulation of Barangay Sangunian Kabataan Election Day Processes at the Rosauro Almario Elementary Scchool in Tondo,Manila on april 21,2018.
Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nagdaos kahapon ng simulation ng barangay at Sangguniang Kabataan elections ang Commission on Elections (Comelec) sa Rosauro Almario Elementary School sa Kagitingan st., Tondo.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na nagsimula ng alas-7:00 at natapos ng alas-10:00 ng umaga ang botohan sa clustered precincts 63 at 64 ng nasabing eskwelahan na nilahukan ng tinatayang nasa 100 botante na kinabibilangan ng mga kabataan at maging mga senior citizens.

Sa ilalim ng simulation, ang mga botanteng nagkakaedad ng 15 hanggang 17-anyos ay binigyan ng balota para sa SK polls, habang ang mga nasa 18-30-anyos ay pinayagang makaboto sa SK polls, gayundin sa barangay elections.

Ang mga nagkakaedad naman ng 31 taong gulang pataas ay binigyan lamang ng balota para sa halalang pambarangay.

Pagsapit ng 10:00 ng umaga ay isinara na ang botohan at sinimulan ang pagbibilang at canvassing ng mga boto, na sinundan ng proklamasyon ng mga nanalo, na nagtapos naman ganap na 1:00 ng hapon.

Layunin ng simulation na aktuwal na makita ang magiging sitwasyon at kaganapan sa mismong araw ng eleksyon, gayundin ay masubok ang kahandaan ng mga Electoral Boards at Barangay Boards of Canvassers sa pagtupad sa kani-kanilang magiging mga tungkulin.

Sa pamamagitan din ng simulation ay matutukoy ng Comelec ang mga posibleng magiging problema at kalituhan sa araw ng halalan at agad itong masosolusyunan.

Kaugnay nito, kahapon ng 5:00 ng hapon ay pormal nang nagtapos ang panahon ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa halalan.

Batay sa calendar of activities ng Comelec, ang mga kandidato ay maaari nang magsimulang mangampanya sa Mayo 4 habang ang mismong araw ng halalan ay nakatakdang idaos sa Mayo 14.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with