^

Bansa

Bong Go nakatulong sa Bangsamoro - MILF

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatulong si Special Assistant to the President Bong Go para mapabilis ang pagpapatibay sa Kongreso ng Bangsamoro Law.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Ghazali B. Jaafar, first vice chairman ng central committee ng Moro Islamic Liberation Front at tagapangulo ng Bangsamoro Transition Commission.

Dahil dito, sinabi ni Jaafar na susuportahan ng MILF si Go sakaling magdesisyon itong kumandidatong senador.

Sinabi ni Jaafar na ma­laki ang paghanga niya kay Go na tinawag pa niyang “isang taong may integridad at kakayahan” bilang isa sa mapagkakatiwalaang tauhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Malalim ang pag-una­wa niya sa problema ng mamamayang Bangsa­moro,” paliwanag ni Jaafar. “Lalo na ang kahalagahan ng pagtugon sa kanila para matiyak ang makataru­ngan at may dignidad na kapayapaan sa Mindanao. Mulat siya sa kung ano ang kailangan para matamo ang soco-economic prosperity ng bansa.”

Malaki aniya ang na­gagawa ni Go para magkaroon ng komunikasyon at pagkakaisa ang mga tao sa Office of the President at iba pang ahensiya ng gobyerno. 

“Sa pamamagitan niya, napabilis namin ang legislative process ng BBL sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Sa mahalagang kontribusyon ni Secretary Bong Go, naniniwala ang liderato ng BTC na karapat dapat siyang endorso at suportahan sa 2019 senatorial election,” sabi pa ni Jaafar.

vuukle comment

BANGSAMORO LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with