^

Bansa

Anti-cybercrime unit sa Quezon City pinasinayaan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista kasama sina  Undersecretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government at  outgoing National Capital Regional Police Office Director  Oscar Albayalde ang inagurasyon sa  Anti-Cybercrime Unit ng Quezon City Police District para sa computer at internet-based cases at mga reklamo sa lungsod.

Sa kanyang talumpati, inilarawan ni  Año ang anti-cyber crime program  ng QCPDF bilang isa sa mga hakbang na dapat tularan ng iba pang local government units sa bansa.

Ang paglulunsad anya ng  anti-cybercrime program ay resulta ng mahusay na ugnayan at pagtutulungan ng QCPD at  pamahalaang lungsod kaya nagkaroon ng isang state-of-the-art cyber office  para sa  QCPD-Anti-Cyber Crime Team na gagamit ng pinakabagong digital equipment at  anti-cybercrime operation capabilities. 

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni  Albayalde  ang QC government sa suporta nito sa anti-cyber crime program ng  QCPD na may malaking maitutulong para wakasan ang mga krimen sa lungsod.

Ang  QCPD ay may  500 volunteers  na magiging bahagi ng cyber crime teams sa barangay level. 

ANTI-CYBERCRIME UNIT

EDUARDO AñO

HERBERT BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with