^

Bansa

Lifeguards ihahanda na ng TESDA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Summer na at panahon na naman ng swimming, kaya kumilos na ang Technical  Education and Skills Development Authority (TESDA) para maging handa at maayos ang mga lifeguards sa ibibigay na serbisyo sa mga swimming areas tulad ng pools at beaches sa buong bansa.

Ito ay matapos ilabas na ng TESDA ang “Implementing Guidelines on the Deployment of Training Regulations (TRs), Competency Assessment Tools (CATs), Assessment Fees for lifeguard  Services NC ll at Lifeguard Services NC lll.

Kamakailan, pinagtibay ng TESDA Board ang inaprub na TRs upang maging handa ang mga lifeguards para matiyak ang kaligtasan ng mga swimmers sa pools at beaches.

Ang nabanggit na TRs ay binuo sa pakikipagtulungan sa Philippine Life Saving Society (PLSS).

Ang TRs para sa Lifeguard Services NC ll at NC lll ay bukas na at kasama na sa mga kursong inaalok sa mga technical vocational institutions na accredited ng TESDA.

”It’s time we put in place a lifeguard training course knowing how beaches and pools are very popular in the country,” ani TESDA Director General Mamondiong.

“With a certified lifeguard around, swimmers are not at risk,” dagdag pa ng opisyal.

LIFEGUARDS

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with