DOH: Uminom ng maraming tubig
Paalala sa mananampalataya
MANILA, Philippines — Para maiwasan ang dehydration, muling pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang mga mananampalatayang Katoliko na ugaliin ang pag-inom ng tubig para manatiling hydrated kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Ito ayon sa DoH ay upang maiwasan ang mga sakit na idinudulot ng mainit na panahon.
Payo ni Health Sec. Francisco Duque III na ugaliin ang pagdadala ng inuming tubig, mga ready to eat na pagkain at payong sa pagbibisita Iglesia.
Dagdag ni Duque, kinakailangang uminom agad ng malamig na tubig ang sinumang nakararamdam na ng pagkahilo o pagkapagod para maiwasan ang pagkakaroon ng heat stroke.
Pinapayuhan din ang mga may high blood pressure na iwasang lumabas sa mga tahanan tuwing alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kung kailan pinakamainit ang temperatura.
Dapat ding magdala ng mga gamot at kinakailangang first aid kit ang mga deboto bilang precautionary measure.
- Latest