^

Bansa

Epekto ng pagtaas ng presyo ng mga de lata sisilipin ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Epekto ng pagtaas ng presyo ng mga de lata sisilipin ng Senado

Sa Senate Resolution 679 na inihain ni Poe, sinabi nito na nakasaad sa Section 1, Article 13 ng Konstitusyon, dapat bigyang prayoridad ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na magtataguyod sa dignidad ng mga mamamayan. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Para sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino, nais paimbestigahan ni Senator Grace Poe sa kinauukulang komite sa Senado kung ano ang epek­to ng pagtaas ng pres­yo ng de lata at iba pang panguna­hing bilihin sa buhay ng mga mamamayan.

Sa Senate Resolution 679 na inihain ni Poe, sinabi nito na nakasaad sa Section 1, Article 13 ng Konstitusyon, dapat bigyang prayoridad ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na magtataguyod sa dignidad ng mga mamamayan.

Sinabi pa ni Poe ka­bi­lang sa trabaho ng gob­yerno ang tiyakin na mapapanatili ang stability sa presyo ng mga panguna­hing bilihin upang mabig­yan ng proteksiyon ang mga consumers mula sa mga mapansa­mantalang negosyante.

 Ayon kay Poe, sa ulat noong Marso 3, 2018 ng isang istasyon ng telebisyon, hiniling ng mga canned sardines manufacturers sa DTI ang increase na mula P1 hanggang P2 bawat lata ng sardinas.

Ang dahilan umano ng pagtaas ng presyon ng mga imported raw materials, petroleum products, at kuryente ay dahil sa TRAIN law kaya kailangan ring magtaas ng preso ng mga manufacturers.

SENATOR GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with