^

Bansa

Botohan sa articles of impeachment vs Sereno ipinagpaliban

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Botohan sa articles of impeachment vs Sereno ipinagpaliban

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Uma­li, chairman ng komite na maaring sa Lunes o Martes na sa susunod na linggo matuloy ang nasabing botohan. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi na matutuloy ngayong araw ang botohan ng House Justice Committee  sa articles of impeachment at committee report laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Uma­li, chairman ng komite na maaring sa Lunes o Martes na sa susunod na linggo matuloy ang nasabing botohan.

Ito ay dahil hindi pa umano natatapos ang articles of impeachment hanggang ngayon dahil gusto nilang maging komprehensibo ito at saka na nila pagdedesisyunan kung alin-alin sa mga alegasyon ang aalisin, depende sa kaakibat na ebidensiya.

Sa kabila nito, sigurado nang maisasama sa lilitising alegasyon laban kay Sereno ang hindi paghahain ng SALN at hindi nito pagdedeklara ng kanyang ilang ari-arian gayundin ang tax evasion at corruption issue.

Paliwanag pa ni Umali, hindi pa malinaw kung ano ang magiging papel ni da­ting Senate president Juan Ponce Enrile bilang bahagi ng private prosecution team na makakatulong ng House Prosecutos sa impeachment trial.

Bukod kay Enrile, pa­yag din umanong maging private prosecutors si Atty. Tranquil Salvador at Atty. Dennis Manalo na kapwa naging abogado noon ni dating Chief Justice Renato Corona.

Naniniwala naman si Umali na malaki ang maitutulong nina Manalo at Salvador dahil sa kanilang litigation experience at karanasan din sa Corona impeachment trial.

IMPEACHMENT

SERENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with