No ID, no entry sa mga kumpanyang hindi nagbabayad ng hangar fees
MANILA, Philippines — Hindi na pinapaisyuhan ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Manila International Airport Authority (MIAA) ng identification card o ID ang mga kumpanya na hindi nagbabayad ng renta sa hangar o paradahan ng maliliit na eroplano.
Ayon kay Alvarez, pag walang ID ay tuluyang hindi makakapasok sa MIAA ang mga delinquent companies na hindi nagbabayad ng hangar fees.
Ibinaba ni Speaker ang kautusan matapos na aminin ni MIAA General Manager Eddie Monreal na nasa P100M ang utang na renta ng ilang kumpanya sa paggamit ng hangar.
Giit ni Monreal, sa kabila ng pagiging delinquent sa pagbabayad ng renta sa hangar ay patuloy pa rin na nakakapag-operate ang ilang kumpanya.
Siniguro naman ni Monreal na susundin nila ang direktiba ni Alvarez.
Kaugnay nito, inatasan din ni Alvarez ang MIAA na maghanda ng engineering plan para sa posibilidad ng gagawing extension ng Terminal 2.
- Latest