^

Bansa

House sa DFA: Magprotesta sa US

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
House sa DFA: Magprotesta sa US

Ito ay matapos maglabas ng intelligence report ang US na nagtuturing at naghahanay kay Pa­ngulong Duterte sa mga lider ng Southeast Asia na banta umano sa demokrasya at karapatang pantao. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hinikayat ni House of Representatives Speaker Pantaleon Alvarez ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest laban sa United States.

Ito ay matapos maglabas ng intelligence report ang US na nagtuturing at naghahanay kay Pa­ngulong Duterte sa mga lider ng Southeast Asia na banta umano sa demokrasya at karapatang pantao.

Ayon kay Alvarez, hindi na ito dapat palagpasin ng DFA dahil wala naman umanong pakialam ang US sa Pilipinas.

Bukod dito, wala rin umanong karapatan ang US para gawin ito sa Pa­ngulo dahil ang Amerika ang talagang maraming kalokohan sa iba’t-ibang mga bansa.

Kung tutuusin anya ay ang Amerika rin ang tunay na banta sa demokrasya dahil walang tigil nitong pakikialam sa panloob na usapin ng ibang mga bansa para lamang masiguro na mananatili ang impluwensya nito sa buong mundo.

Hinikayat din ni Speaker ang mga mamamayang Pilipino na magkaisa para labanan ang pakikialam ng Estados Unidos dito sa Pilipinas.

‘Hindi ba fake news yan!’

Ito ang naging reaksyon kahapon ni Philippine National Police Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa naturang report ng US intelligence community.

Sinabi ni dela Rosa na base lamang sa opinyon ang naturang assessment at maari ring magbigay ng kahalintulad na pagtaya ang mga intelligence unit sa Pilipinas laban sa Estados Unidos.

Base sa ‘worldwide threat assessment ng US intelligence community dahilan sa mga maanghang na pahayag sa giyera kontra droga, ang pagsusulong para mai­deklara ang revolutionary government at ang nationwide martial law ay ikinokonsidera nang banta sa rehiyonal na seguridad sa Southeast Asia si Pangulong Duterte.

“Wala kaming opinyon  na ganyan sa kanila sa ngayon so these are all opinionated assessments”, ang sabi pa ni dela Rosa na iginiit na walang katotohanan at base lamang sa opinyon ng US intelligence community ang nasabing ‘threat assessment’ laban sa punong ehekutibo.  Joy Cantos

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with