^

Bansa

Kinita ni Sereno sa PIATCO pinaiimbestigahan sa BIR

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kinita ni Sereno sa PIATCO  pinaiimbestigahan sa BIR

Ang IT consultant na si Helen Macasaet habang kausap si Supreme Court administrator Midas Marquez sa pagpapatuloy kahapon ng pagdinig kaugnay sa probable cause ng impeachment case ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno. (Michael Varcas)
 

MANILA, Philippines — Inatasan na ng House Committee on Justice ang Bureau of Internal Re­venue (BIR) na imbestigahan ang kita ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa PIATCO (Philippine International Air Terminals Company Incorporated) case.

Sinasabing si Sereno ay kumita ng nasa P30 milyon sa paghawak ng kaso sa PIATCO bago pa ito makapwesto sa Korte Suprema.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, na dapat siyasatin din ng BIR kung nagbayad ng tamang buwis sa kitang ito si Sereno kasama na pati ang Value Added Tax (VAT).

Iginiit ng komite sa BIR na isumite ang resulta ng imbestigasyong ito bago Pebrero 19.

Nabigo naman ang mga opisyal ng Korte Suprema na isumite sa pagdinig kahapon ang records ng allowances na tinatanggap ni Sereno dahil hindi nila dala ang records nito bukod pa sa hindi ito kasama sa otorisasyong ibinigay ng en banc na maaari nilang testiguhan sa impeachment hearing.

Kaugnay nito, siniguro naman ni SC administrator Midas Marquez na may mahigpit na proseso ang hudikatura laban sa mga hukom at mahistrado na hindi nagsusumite ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.

Giit ni Marquez, pinagpapaliwanag muna nila at kung hindi sumunod ay iisyuhan na ng show cause order hanggang sa patawan na ng parusa mula sa suspensyon at multa hanggang pagpapatalsik sa serbisyo depende sa bigat ng paglabag.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with