^

Bansa

Sundalo todas, 2 pa sugatan sa panibagong roadside bombing

Rho­derick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Isa na namang sundalo ang namatay habang dalawang sibilyan ang nasugatan sa panibagong roadside bombing sa Barangay Maitemaig, bayan ng Datu Unsay, Maguindanao noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Army’s 6th Civil Military Operations Battalion commander Lt. Col. Gerry Besana ang  sundalo na si Private 1st Class Ian Chris Celeste ng Army’s 57th Infantry Battalion.  

Nabatid na nagsasagawa ng clearing operations ang tropa ni Celeste sa Barangay Maitemaig, Datu Unsay malapit lamang sa Mt. Firis nang sumabog ang improvised explosive device (IED) na itinanim ng mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.  

Kasunod nito, pasado alas-6 naman ng gabi nang sumabog ang isa pang bomba sa kahabaan ng national highway sa bahagi ng Barangay Labo-Labo sa Datu Hofer, Maguinda­nao.  

Wala namang na­sugatan o namatay sa mga sundalong nagbabantay subalit tatlo ang nasugatang sibilyan na sina TJ Devinagracia, 10, tinamaan ng shrapnel sa kanang kamay; Jonel Devinagracia, 28, may tama naman sa mukha at si Danilo To­bier, 22, tinamaan naman sa leeg.   

Nabatid na dumaan lamang ang mga sibilyan sa lugar nang biglang su­mabog ang bomba.

vuukle comment

BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with